MY ONLY ONE
Chapter One
“Sali ako”sigaw ng isang batang babae buhat sa di kalayuan.Tumakbo itong papalapit sa umpukan ng mga batang naglalaro ng taguan.
“Marami na kami”nakaismid na sabi ng matangkad na bata.Nakasuot ito ng maikling short at nakaponytail ang buhok.Ngunit tinutulan ito ng kapatid nitong si Aljon.
“Ate Almira!”
“Lanley..halika sali ka..sagot na kita”
Tinawag ni Aljon ang mga kasali at pinaalam ang pagsali ni Lanley sa kanilang laro.At tulad ng sinabi nito sagot sya nito sa pagiging taya.
“salamat Aljon ha?!”masayang sabi ng batang si lanley bago ito nagbilang.Kanya kanya namang takbuhan ang mga kasali sa kanilang mga pag tataguan.
“lanley,tara dun tayo sa burol magtago”ani Samantha.
“ha..eh..”atubili siyang pumayag dahil madilm doon.
“tara na..baka mataya pa tayo nyan eh..”hinila siya nito papasok sa kasukalan.Tumakbo salang paakyat,madamo ang bahaging iyon at malayo layo na ang narating nila ng nagpasya silang tumigil.
“Dito nalang tayo..hindi na nun tayo mahahanap”natatawang bulong ni Samantha.Nilibot niya ng tingin ang buong paligid.Nakakatakot ang lugar na iyon para sa kanya.Pakiramdam niya’y may ibang tao doon bukod sa kanila at pinag mamasdan sila.
“Umuwi na kaya tayo”?ngunit ganun na lamang ang gulat niya ng malamang wala na ang kaibigan sa tabi.
“Sam…Samantha?”
“Wag ka namang manakot oh..”tawag niya.Umihip ang malamig na hangin,nag galawan ang mga halaman sa paligid.Wala siyang makita maliban sa mga anino ng mga puno sa kadiliman ng gabi.
Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng marahas na gumalaw ang isang halaman sa bandang kanan niya.Hinamig niya ang sarili,at kahit pa nangingibabaw ang takot sa bata niyang puso ay pinilit niyang harapin ang nasa kabila ng halamanan.
“Sam…aniyang akmang hahawiin ang mga dahonsa harapanngunit imbes na ang kaibigan ang matagpuan ay isang batang lalaki ang lumabas buhat doon.Natitigan niya ito,ang malalim at itim na itim na pares ng mga mata nito na may mahahabang pilik.
“A-anong ginagawa mo dito?”untag nito sa kangya
“Ah..nagtataguan kasi kami,nawala yung kasama ko”sagot niyang hindi maalis ang tingin sa kaharap.Maliit ito sa kanya ng kaunti,medyo payat ito ngunit maputi.Ang mukha nito’y hindi bilugan o pahaba,at matangos ang ilong.Nakita niyang nagkamot ito ng batok.
“Bakit”?naitanong niya sa inasal nito.
Ngumiti ito ng alangan,pero bakit parang may pumitik sa puso niya dahil sa pag ngiti nito?
“Hindi mo kasi ako pinapakinggan”sagot nito.Wala sa sariling napakamot din siya sa ulo at nag katinginan sila..at sabay silang natawa.
Iyon ang simula ng pagiging magkaibigan nila ni Nathanielle.Halos magkasing edad lamang sila nito,eight years old at parehong nasa grade 2.Sinamahan siya nitong makauwi sa kanilaat ng sumunod na araw ay nalaman niyang ito na pala ang bagong nakatira sa malaking bahay sa burol.Mabait ito ngunit hindi pala kibo,mas gusto nitong magkasama sila at naglalaro ng mga board games sa bahay nila habang nagpapapak ng meryendang gawa ng nanay niya.
BREAK.Napatingin sa suot na relo si Lanley.Eleven thirty na ang isinasaad na oras,ngunit wala pa rin ang kababata.She wondered kung anu na naman ang nagyari dito.Every matapos ang klase nila ay magkasabay sila nito sa tanghalian pero nitong mga huli na mag highschool sila ay lagi na lang itong nahuhuli sa usapan nila.Hindi nya naman masisi si Nathanielle dahil kahit teachers nag kaka crush dito kaya ayun laging natatagalan sa paglulunch.Idagdag pa ang mga ka eskwela nilang hindi ata inaalisan ng tingin ito kapag nakikita na itong walang ginagawa.Kanina pa siya nakaupo sa lilim ng punong paborito nilang tambayan,naihanda na rin niya ang kakainin nila courtesy syempre ng nanay niya.
“Sorry,nagpatulong pa kasi si Ms.Acunin na mag check ng papers eh”hinging paumanhin nito habang papalapit.
“ganyan ka naman palagi,ako lang ng ako ang kaya mong paghintayin”nakangusong aniya.
Napakamot ito ng batok.”Pasensya ka na,ganito na lang ililibre na lang kta mamaya pag uwi natin ok ba yun?”Hindi pa rin siya umimik.Sinimulan nitong kainin ang pagkain nito.
“Ang sarap talaga magluto ni Nanay Meding”nasisiyahang sabi nito habang pinapapak ang pagkaing nasa baunan.Napansin nitong ayaw pa ring kumain ng kaibigan.Kaya dumukwang ito at inabot ang mukha ng dalaga na ikinabigla nito.
“Nathan…”?napatingin tuloy siya ng diretso sa mga mata nito.
“Sorry na..hindi na ko uulit.Pangako yan.”

Leave a Reply